Sunday, June 11, 2006

E..EE..EEE..TAE!!! -[teddy]

nag dorm hunting kami kahapon! yun! nakahanap kami! nasa likod lang ng ceu. buti nalang yung mga makakasama ko sa room ay puro first year din! whew..

after nun.. sm manila. hanap kami ng rubber shoes.. may mga nakita akong magaganda sa skechers, converse, pony, at advan [oo advan nga]! pero mas gusto ko yung napili ko sa pony! simple lang! wahahaha bibilin namin yun next week!

then sakay na ng lrt.. central station..carriedo................r.papa..5th ave...MONUMENTO!.. then baba na kami.... napadaan kami dun sa mga nagbebenta ng pirated cd's. [eto nakakatawa!] naging topic na sa ml ng jtc ang tungkol sa pirated cd ng nobela.. at kahapon ko lang nakita yun! edi huminto muna kami tapos tiningnan ko. ayun! nandun lahat ng tracks sa nobela! pero ang nakakuha talaaga ng atensyon ko ay ang 12th track na supposed to be "EMOTIONAL OVERDOSE" ... pucha.. "emotional overDRIVE" yung nakalagay!!! at hindi lang yun! may bonus tracks pa! nakalimutan ko na kung anu-ano yun.. natawa ako dun grabeh...
akala ko tapos na.... pero may nakita nanaman akong cd! wahahahah!!! nakalimutan ko yung title... it was something like: "join the club remix" or "nobela remix"!!!! tawa ako ng tawa nun! parang naasar nga sakin yung nagbebenta! kaya "PLEASE! DON'T BUY PIRATED CD'S!!" bilhin nyo yung orig hindi lang dahil sa makakatulong kayo sa musikang Pilipino, dahil din... sa orig na cd, ACCURATE ANG TITLE NG BAWAT TRACKS!! hehehe....

after ng katawa tawang experience na yun.. deretso na ko sm marilao para manood ng album tour ng rocksteddy! at yes!! nakita ko na rin si kuya Jowie [at ang 'fedsex' nyang damit! wahaha]! tsaka si Juvs! ganda ng hair nun grabe! malambot at madulas! wahahaah hinawakan ko eh!
sayang nga hindi sakin nabigay ni kuya Juvs yung pick na ginamit nya! inalok nya sakin eh! arrrggghhh!! [arrggh ulit..] naunahan ako kunin nung isang gurlalooshh..
nung autograph signing na... nagpapic ako kasama sila kuya Jowie at Juvs.... sayang di ako nakapagpapic kay Teddy! astig nya grabe! pati rin kay Chris... sayang talaga..

eto pa! 'tama' nanaman ung drumset na ginamit sa album tour dun! astig! kamukha nung amin! astig din ung pumalo nun: si kuya Jeff! \m/

kelan kaya ako ulit makakanood ng gig sa sm marilao... kelan ko kaya makikita ulit ang mga rakista at mga trasher na nag ji-gymnastics.... hay...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home