Monday, December 18, 2006

teta machine: the sequel

asyuswal! nag paturo nanaman ako ke ate Teta sa pagpunta.. hehe
nag "amazing race" muna kami ni Jade bago makarating sa bubble gang toppings.. saya ng adventure!

pagdating namin dun, nandun na si Jops, Pau (namiss ko 'to!) at Kyra. Sila ang mga receptionist! asteeg! may free na i.d lace ng tetamachine.com tsaka kandila. ang cute!

maya maya lang si Badong naman.. tapos nakita narin namin si ate teta machine!

pinapasok na kami ni Jops sa loob, para mag save ng mga upuan, nakatalikod kami ni jade dun sa entrance kaya di ko na namalayan ang pag dating ng iba pa sa team.

may sumasakit sa kalamnan ni Jops nun, kaya binigay ko sa kanya yung dala kong mefenamic acid! [dana @ jops: nagpapaka nurse lang ako!]

yun, nandun na pala sila Farley, P-anne at Lui [may ginawa daw syang sulat, naiwan nga lang daw]. Nag picture picture muna kami.. ganda ng kuha ni jops sa cam ni p anne! hehehe ang kulet!

una tumugtog yung And Many More tapos Doorknob.. miss ko na si Ian.. :(

tapos nag palaro na,, text twist! winner sila Vhey!

Munky Muff na yung tumugtog tapos Valet Parking tapos Plastic Baloo.. at angel ang outfit ni Paui..

yung chemistry notebook ko sa aking binder ay ginawa kong dedication notebook! :D tas pinasulat ko ang team..[salamat pala sa mga nagsulat! di maalisyung ngiti sa mukha ko nung binasa ko yung mga sinulat nyo!] nakaka may mga nakaligtaan nga lang.. si farley si badong tapos si mee-i at si ate teta.. di ko sila mahagilap eh.. di bale dadalin ko ulit ung filler sa susunod! :D

Tapos Publico na! dami nila tinugtog.. tas nakalimutan pa namin ung sinabi ni Dane na sabay sabay kami sa pagbilang sa soccrefield [sorry dane].. tsk tsk.. si Vhey lang yung narinig kong bumilang.. pero ang ganda ng tugtog! breathtaking! yeaah!

tapos kiko machine na. may rebelasyong sinabi sakin si Pau. [:D] wala ang costume na pantaas ni Super Dan.. tapos kakatakot ung mask nya..

habang tumutugtog ang kiko machine magpapapicture sana kami ni pau ke Miro na nasa labas ng bubble gang toppings.. pero pareho kaming walang lakas na mag approach nun kaya hindi kami tulong ke Jops at yun! nag fanmode na kami ke miro. :) tapos nag fanmode din kami kina Badong, Agnes, at Dane!

last two songs nlang ata kiko machine nung bumalik kami sa loob, last song ata yung pulp!

pagkatapos nila si Jops nagpapirma nung kikomachine komix ko kay Manix [tenkyu ulit Hops!] hiya talaga ako eh.. Rak en Rol! asteeg! hehehe

tapos. ahmm.. picture galore ulit! kila Billy at Manix! pina sulat ko narin si billy dun sa "chemistry notebook turned dedication notebook" ko. Pasensya na pala pau kung nag blur ung unang shot ko sa inyo ni billy ah.. sobrang nanginginig na talaga ako nun eh

tapos, daldalan muna ang team, kung pano kami uuwi. [sorry talaga kung lagi nalang akong problema sa inyo ah..] tapos prayer,, konting daldal pa at uwian na. kami ni jade sumabay kay P anne at Lui. salamat ng marami sa kanila at naka uwi ako ng buhay! salamat salamat!! :D

http://anadana.multiply.com/

Tuesday, December 05, 2006

Paano Sasabihin sayooooo...


nakakatuwa to! yung intro nagremind sakin ng 'yakap sa dilim'.

si Biboy may hawak na blower..

si congie pinalilibutan ng girls! pero duda ako kung lalaki nga si conj sa mga oras na yun.. :)

si migs.. pinalilibutan ng,, boys!!! hanubayan! hahaha!

si pao, hampogi parin! haha!

ayos talaga! :D


.....ililihim ko pa ba?