Monday, May 08, 2006

"everything's gonna change now isn't it?"

Nagpunta kami st. jude kanina para kunin yung good moral character certificate ko. Nung papasok na kami sa front gate, ang ineexpect kong makita ay ang 'dating eskwelahan ko'.. pagpasok ko nakasalubong ko sila Joselle, Sarahfiele at Ana...un.. edi nagbatian kami... pero nagulat nalang ako dahil andaming construction na nangyayari sa skul. Sa buong seven years ng pag stay ko sa st. jude, walang ganun-ganun. Siguro meron nga noon pero hindi katulad ngayon na halos buong skul nirereconstruct. Maliban sa pag pipinta ng mga bagay-bagay, at iba pang reconstruction na nangyayari, may bago nang security guard. putek. mamimiss ko ung mga guard na pinapayagan kaming lumabas ng skul kahit sobrang bawal. Pati yung mga personnel, para bang hindi ko sila nakilala..

nagpunta kami ng record section para kumuha ng request para sa good moral character.. then magbayad sa cashier ng P25 .. then balik sa record section para mapapirmahan nila kay sister Evan yung gud moral certificate ko. kampanteng kampante ako na pipirmahan nya yun kasi wala naman akong ginawang kagaguhan nung 4th year ako. I played things safe! [nyeeee....]

un na nga..

habang nakikita ko ung mga nag eenrol na transferees, parang gusto ko rin ulit mag enrol! hahah! para ngang kailan lang nung first day ko ng pag pasok sa st. jude.

feel ko magkwento kaya... reeeeewwwiiinnndddd.....
grade 4 ako nagtransfer dun. hehehe... na late kami ng dating.. pumipila na yung mga students. nagpahatid ako sa mama ko sa classroom ko na 'gr. 4 St. Ambrose' dahil nung bago palang ako sa st. jude eh pawang 'nalalakihan' ako sa lugar. nung nahatid na ko sa klasrum, may isang lalaki dun na nag aayos ng gamit nya! at sya ang una kong naging kaibigan sa skul na yun! yey! c Lorenz Foja. sumabay ako sa kanya papunta sa pila namin. hahah! at ang tanga ko talaga! kasi dahil sa pagsunod ko sa kanya papunta sa pila, dun narin ako napapila sa line ng mga lalaki!
naalala ko rin nung pumapasok kami isa isa sa loob ng locker tapos isasara ung pinto! hahaha! di pa ko mataba nun kaya kasya pa ko sa locker!
tsaka ung first time kong magpapalit ng tokens para makabili ng pagkain sa canteen or ng gamit sa bookstore.... yung red-five pesos, blue-two pesos, white-one peso, green-50 cents ata or 25 cents.... ngaun ang ginagamit nalang ay ang red at blue na tokens... may nag sabi nga sakin na dati daw meron pang color yellow na ten pesos naman... ang saya siguro kung nakolekta ko lahat ng tokens na yun!

balik na...

at tama ako! pinirmahan nga ni sister yung gud moral certificate ko! ayos! akala ko sasabihin nya na hindi nya pipirmahan yun dahil nakumpis yung mp3 player ko nung retreat! bwahaha! di mo magagawa yun noh! hindi naman ako yung nagpakumpis eh!! bwahahaha!!

pauwi na kami. tinanaw ko muna yung corridor ng mga seniors. haaayyyy..... :)
tama na nga.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Looks nice! Awesome content. Good job guys.
»

3:43 AM  

Post a Comment

<< Home