Sunday, July 23, 2006

JUDEANS BATCH 2005-2006 [COURAGE/COMPASSION/JUSTICE] IMPORTANT TO! PLS. READ!!! :)

*oRiginal message by Guillermo Francisco:

ei... batchmates (courage, compassion, justice)
question lang pow tungkol sa Yearbook natin...

OK LANG BA NA MAGKAROON TAU NG
YEARBOOK??

your reply is needed...

para malaman kung lahat ba ng batchmates
interested and kung cnu... pakalat pow sa buong
batch... di naman pow kc lahat fwend ko eh...

Reply please.... as much as possible...
Thanks pow...



basta malaman ko lang pow kung ilan ung bibili or
magpapagawa ng yearbook.. ty..

-guille.

-----------------------------------------------------------

kailangan kasi majority ng batch natin ang papayag
na magka yearbook tayo bago magpagawa....

kung gusto nyo magka yearbook.. imessage nio si
guillermo sa friendster acct. nya....

sana pumayag kayo..... sayang ang memories! hehehe...

-dianapelayo..:)

uste./palaganapin ang publico./naascu./prelims..

yehey! sa wakas at natuloy narin ang pagpunta ko ng USTE!
un...
sorry kay Jops kasi sobrang late ko dumating! at ayaw pa kitang pakawalan nung nagkita tayo! btw, kamusta ang exam?

kay Louie din kasi nagpalipat lipat pa yata 'to ng lugar kung saan kami magmimeet! hehehe! sorry sorry talaga! salamat din sa pag pasyal samin ng mga classmates ko [sarah, aica, shera] kahit sandali lang..... salamat sa time! tsaka sa autograph :) nga pla, di ko naman kamuka yung vocalist ng up dharma down ah... maganda yun eh!

babalik ako sa friday! [SANA!!!!] Jops! 11:30 ang labasan namin nun kasi last day ng prelims namin yun! kaya sana nga matuloy ako!

pinarinig ko sa mga prends ko ang EP ng Publico.... ayun! gustong gusto din nila ang paborito kong 'soccerfield'!!!!! un.... gusto daw bumili ni aica ng EP!
kilala na ng halos buong AHSE1W at mga ka-dormates ko ang Publico!!!! [di ko na matandaan kung ilang beses kong inulit-ulit na sinabi ang Badong, Farley, Dane, Louie, guitars, vocals, drums, bass, ust, EP, mailing list at kung ano ano pang related sa publico sa kanila] basta un...

eto yung mga natanggap kong feedback: [after nilang marinig ang masagwa kong pag kanta ng soccerfield at bukas nalang/ pagparinig ng EP:

- ang ganda daw ng boses ni Farley!
- ang galing daw ng pagkakapalo ng drums! go Dane!
- astig daw yung lyrics ng bukas nalang
- ang bait daw ni Louie at ang ganda daw ng hair nya [sabi ng mga kasama ko nung pumunta akong uste]

haaayyyyyyyy.......... un. sana sali din sila sa yg.

=======================================

sa NAASCU [National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities] naman.. kahapon yun.. July 22. Sa cuneta astrodome..

ang usapan ng klase ay before 6 am ang pagkikita namin sa may north gate ng ceu. at, quarter to 6 ako nagising! ang saya nun diba? hahahah!
buti nalang at umabot ako sa tickets.. 1st come 1st serve kasi... haayyy... good thing nasa likod lang ng ceu ang dorm ko... kaya't ang kahabaan lang ng C. Aguila lang ang tinakbo ko
di namin alam pano pumunta ng cuneta kaya nag fx nalang kami. pag dating ng cuneta... ay.. STAMPEDE ito! at may kasama pang pag-ambon... good thing di kami gaanong nag kahiwa-hiwalay dahil kapitan nalang kami... [ako nakakapit kay denver tapos nakakapit sakin sila jessica, jade at shera. nakapasok na kasi agad sa loob sila sarah..]

yehey.. hindi kami napunta dun sa bleachers... yehey talaga... :)

pag uwi namin.. dun na kami nagkahiwa hiwalay!! si shera nalang at ako nag magkasama! eh alam naman namin na di na kami hihintayin nung iba kaya nag taxi na kami pabalik ng ceu.... mag-mo-mall of asia sana o...... sayang!

======================================

prelims na sa tuesday! sana di kami bumagsak sa math tsaka sa physical science lab at lecture!!
aral mode na!! pagkatapos ng prelims... 'hopefully', uste ulit!!! yehey!!!

*ang tagal ng release ng college shirt namin... kainip maghintay.... kainggit yung mga meron na..

Sunday, July 16, 2006

what the?...



'tong linggong 'to.... grabeh..

MONDAY. yun. sarap gumastos. syempre buo pa ang allowance!
Absent si ma'am Pegenia kaya't wala kaming English.
Ang aga ko natulog... dahil sa sobrang kaba ko sa mangyayari kinabukasan.Medical check up, Dental check up, x-ray at ang Blood Testing!!!... pucha.. di pa kasi ako natuturukan ng injection sa braso.. un... kinabahan talaga ako! ang DUWAG ko talaga...

TUESDAY. hmmm... eto na. kinabahan talaga ako pagkagising ko. 7am ang pasok ko. 5:00... ayoko mag almusal.. parang isusuka ko lang.. pero pinilit ko parin.. cup noodles nanaman.. tsaka biscuits.. ayoko ring maligo. ayokong mag toothbrush. ayoko pumasok....
7:15... di parin ako lumalabas ng dorm... tinxt ako ng kaklase ko na nandun na sila... kaya punta narin ako dun sa clinic...
pucha! ako pa talaga yung nauna!!!!! edi yun.. tsinekup ako ni Dok... after nun... punta sa kabilang room para sa Dental Check up... after nun... sabi nung dentist, labas daw ako sa south gate tapos may naka park dun na van... dun daw yung x ray... edi punta naman ako.... after nun. sabi balik na daw ako dun sa may malapit sa clinic. edi akala ko tapos na! biglang may babaeng lumabas dun sa clinical laboratory... tapos tinanong ako kung sino na yung tapos nang magpa xray... edi sabi ko ako tapos na... un! pinapasok ako dun sa loob! syaks!!! nilabas na ang injection! at ang karayom! [na pawang pang cross stitch!]..... waaahhh..... after ng injection... nahilo ako..... nag iba ang kulay ng paligid... ang pawang kayumangging kulay ng mga tao ay naging blue!!!! as in BLUE!! [pero di ko un sinabi sa nag inject sakin... sabi ko lang nahihilo ako] kaya binigyan ako ng ammonia.... un... bumalik ang pagka kayumanggi ng mga tao... ang kaso blurred parin ang paningin ko... ang totoong nagpabalik ng sigla ko ay ang c2 na lemon! I LOVE YOU NA C2!!! bwahahah!

WEDNESDAY. ang lakas ng ulan.... absent nanaman si ma'am Pegenia... wala rin si ma'am Ramirez kaya walang Filipino,,, pero nag History kami.... PERO! kalagitnaan nun ay biglang dineclare na suspended!! ayos!!!! nag internet nalang kami ng mga kadormates ko [ZARAH, KRIZZEL, ANGELINE, HESSA, JOANNE] sa excel... un.. pinag tripan namin ang webcam.. at pawang nasira ito... hahahhah!!! joke lang...

THURSDAY. confirmed na walang pasok.... internet nanaman...

FRIDAY. may pasok na... wala parin si ma'am Pegenia. nandyan naman si ma'am Ramirez.... nag soundtrip lang ako bago matulog...

SATURDAY. nag quiz sa Physical Science. at bagsak nanaman ako! hanubayan...... kelangan ko pang mag aral ng mabuti..... ki-nut ng 30 mins. ang nstp namin kasi may meeting daw... kaya maaga ako nakapagbihis ng pang uwi.. andito na ko sa Bulacan ulit.... balik nanaman ulit sa dorm bukas...

-------------------------

THANK YOU pala kay Dormate Joanne sa pagpapautang mo sakin! bayaran kita sa monday!

THANK YOU din ke kuya Badong! pasensya talaga sa istorbo! tsaka sa pag asikaso sa kung pano ako ulit makakabili ng EP nyo! wahahah! makakakuha na rin ako ng autograph mo! sana di ako maligaw sa pagpunta ng uste....

JOPS! ung testi mo sakin! parang bigla akong nakaramdam ng pagkaguilty! yung parang nasabi ko sa sarili ko... "pucha hanggang isa lang ba kaya mo dana? mamatay ka na!" basta yung ganun............. pramis.......sorry...ewan.....

-------------------------

yung nasa taas...

pic nung EP lauch ng Publico. blurred ang mukha ni dane. gumalaw kasi...

mall tour ng pupil sa sm marilao. merong something dun sa pic ni Dok... dun sa kaliwa....ewan....

Thursday, July 13, 2006

bangag!!!

hayy... walang pasok!!! yehey! nag internet kami nila dormates zarah at joan ngayon sa may ceu! saya!

kanina si joan bukaka ng bukaka eh butas naman ang shorts! wahahaha.....

napapadalas na ang kain ko ng cup noodles... masama yun diba? waaahhhhh....

sa sabado nalang....... babush!