pasado ang loka! ayos!!
akala ko'y kakasabak ko palang sa kolehiyo, makakatikim agad ako ng bagsak na grade sa clearance! buti nalang! thank God talaga..
feeling ko'y naawa sakin si ma'am Mendoza [prof sa math] dahil nakita naman (siguro) nya ang binibigay kong effort! (lalo na nung finals!) kaya yun! may 3.00 ako sa kanya, whew! di ko talaga ineexpect na papasa ako dun! ung midterm na exam lang kasi ung pinasa ko, tapos sa mga quiz, mas marami yung bagsak..
sa Physical Science din.. 3.00, pero inaasahan ko dun 2.5 eh.. ginalingan ko naman sa Lab ah, marunong na nga ako magbukas ng Bunsen tsaka Tirril burner eh!... waahh! mas mataas kasi units ng Phy sci Lecture kesa phy sci Lab, ,, haha! tagilid din kasi grade ko kay ma'am Co [prof sa physical science lecture], kaya naging tres,, andamot sa grade nun!
eto ang nakakatuwa: 1.00 ang grade ko sa,,,, tadaaaaaaaaa! RELIGION! hahahahah! di nga ako nag rerecite dito eh! eto ang mapagbigay sa grade na si Ma'am Consuelo Balanzar! [sabi nya pag nagagalit ka daw or nagmura ka or nagsinungaling or anything na bad, mag 'St. Michael' ka...] haha! sya rin yung proctor namin nung midterm exams! kaya pasado kami lahat! wuhooo!
Banal na ba? hmmmm, pwede na rin! sana sa math or phy sci nalang ako nag uno!
Pero thank you din kay Lord dahil sa uno, hehehe natawa talaga ko dito!
at eto ang mga subjects para sa 2nd sem:
1) ENGLISH: communication skills 2
2) FILIPINO: panitikang Filipino: isang pagpapahalaga
3) LOGIC (ano naman to? *yung nakaka alam pakisagot!)
4) BIO-SCI: environmental science
5) SOCIO-ANTHRO: society and culture with family planning
6) CHEMISTRY: organic and biochemistry
'->6.1) Lecture
6.2) Laboratory
7) MATHEMATICS!: statistics (madali lang ba to?)
8) FOREIGN LANGUAGE: mandarin1
9) PHYSICAL EDUCATION: rhythmic activities
10) SOCIAL ARTS: living and loving relationship (hala!)
11) RELIGION: ang simbahan at ang mga sakramento/ interpersonal relationship
12) NSTP-CWTS (pucha! 3hours straight ang klase dito!!)
yan lang naman! 35 units lahat! pahirapan nanaman!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home