Wednesday, November 01, 2006

sementeryo.kandila.palitaw

kaninang umaga, tumulong ako magluto ng ginatan, ginawa ko ung bilog-bilog out of rice flour..
mga 12pm, alis na kami ng bahay at pumunta na ng St. John Cemetery sa Karuhatan..
sobrang ineeeeetttt!!! shet!
laro lang ako ng Game Boy SP dun... tapos kain ng isaw..
tirik ng kandila... pray...

natatawa ako dun sa isa sa mga portalet dun, nasa ibabaw ng isang bundok ng basura!! grabeh! ang taas! tapos ang baho pa,, haha!

andami ring pulis na naglilibot, pinapagalitan nila yung mga batang nagnanakaw ng kandila..

nakita ko si Alfie at Marvin na mga dating kaklase ko nung hayskul

nung pauwi na.. binili ako ni tita ng strawberry sherbet daw.. puro asukal naman, konti lang yung nilagay na strawberry syrup, asar.. sana isaw nalang.

isa sa mga vendors ng isang stall na may signboard na: "20 pesos on all items!" ay nakasuot ng "LEVEL 27" na shirt! grabeh! meron na pala nun dito sa pinas!? di ko lam ah..
pero napagtanto ko na japeyk yun, aarborin ko sana eh.. tsk tsk..

kain na ng palitaw!

1 Comments:

Blogger Jops said...

level 27? kung di ako nagkakamali, si BILLY MAY ARI nun? tama ba ko? correct me if im wrong ah..

teka may hot topic na ba todits sa pinas? ang loser ko no? hahaha.. di ko man lang alam.

12:47 AM  

Post a Comment

<< Home