Friday, May 26, 2006

mall show! mall show!

at least may mga mapapanood akong gigs bago man lang mag pasukan! hayy...
sa sm marilao!

June 10- Rocksteddy [salamat kay kuya Jowie Ramos sa pag inform!]

June 12- Hale (outdoors- parking a) [mapapanood ko na ulit hale!! yeesss! this time kelangan mag papicture na ko! ke pepeng kilabot!]



o.t: ma...... bili nio na ko nung zen vision:m....

*_*

kelangan ko mag post ngayon.. kailangan....

CONGRATULATIONS ulit sa PUBLICO! galing! lupet!

di tuloy publico sa bocaue bukas? sa bagay, onga, may mga barilan dun, at hindi lang yun! malay mo biglang sumabog ang isang tindahan ng paputok dun! tapos magkakasunog! hehehehe... joke lang! sayang... pinayagan na ko eh! tsk tsk... di bale! mapapanood ko parin kayo! tas mag si-sing along ako! yebah! sana makabili ako ulit ng ep nyo! nawala ung cd nung ep na binili ko nung launch! may nagnakaw!!! tas pag nakabili no ko kelangan makapirma na dun si kuya Badong! :)

Tuesday, May 16, 2006

I really want to have one of these!


and it costs 300 American Dollars.
waw.

Saturday, May 13, 2006

ang kulet! pramis!


image scanned fron "the judean" 'voice of the future, mirror of truth' volume XV, no. 2
page 16, funpage section.... drawing by Guillermo L. Francisco II.
salamat kay Ma. Cecilia Florentino sa pagpapabigay sakin ng kopya ng dyaryong 'to thru my brother.
sa mga wala pang kopya... makipag ugnayan kay cecil/guillermo/jane/veronica/izza.
guille tanong lang! ako ba yung nasa sulok [lower left corner] na napapagitnaan ng dalawang bakla na nagngangalang james at charles?
tsaka tanong ko, bakit black and white na ung skul paper natin!? tsaka ba't ang liit? naghihirap nanaman ba st. jude?

ang haaaaannnggggiiiinnnnn!

I was hangin' out at the rooftop. Feeling the strong breeze in my face. With my sister rocking the duyan, and listening to alapaap[eraserheads] over and over again.
hayyyyy.... that's the layp.....

great weather isn't it? hehehehe joke!

Wednesday, May 10, 2006

gokusen.gokusen.gokusen!






shet... naaadik na ko sa jap.drama na to. astig din ung manga! nagagandahan ako sa pagkakadrawing! yyeebboi! ginaganahan nanaman akong magdrawing! [penge ngang lapis!!]
syempers ang wafu ni Shin Sawada na ginagampanan ni 'Jun Matsumoto'. Sya ung japanese version ng hana yori dango/meteor garden! hahahah! ayos. bagay din sya sa role na yun! lupet.

Monday, May 08, 2006

"everything's gonna change now isn't it?"

Nagpunta kami st. jude kanina para kunin yung good moral character certificate ko. Nung papasok na kami sa front gate, ang ineexpect kong makita ay ang 'dating eskwelahan ko'.. pagpasok ko nakasalubong ko sila Joselle, Sarahfiele at Ana...un.. edi nagbatian kami... pero nagulat nalang ako dahil andaming construction na nangyayari sa skul. Sa buong seven years ng pag stay ko sa st. jude, walang ganun-ganun. Siguro meron nga noon pero hindi katulad ngayon na halos buong skul nirereconstruct. Maliban sa pag pipinta ng mga bagay-bagay, at iba pang reconstruction na nangyayari, may bago nang security guard. putek. mamimiss ko ung mga guard na pinapayagan kaming lumabas ng skul kahit sobrang bawal. Pati yung mga personnel, para bang hindi ko sila nakilala..

nagpunta kami ng record section para kumuha ng request para sa good moral character.. then magbayad sa cashier ng P25 .. then balik sa record section para mapapirmahan nila kay sister Evan yung gud moral certificate ko. kampanteng kampante ako na pipirmahan nya yun kasi wala naman akong ginawang kagaguhan nung 4th year ako. I played things safe! [nyeeee....]

un na nga..

habang nakikita ko ung mga nag eenrol na transferees, parang gusto ko rin ulit mag enrol! hahah! para ngang kailan lang nung first day ko ng pag pasok sa st. jude.

feel ko magkwento kaya... reeeeewwwiiinnndddd.....
grade 4 ako nagtransfer dun. hehehe... na late kami ng dating.. pumipila na yung mga students. nagpahatid ako sa mama ko sa classroom ko na 'gr. 4 St. Ambrose' dahil nung bago palang ako sa st. jude eh pawang 'nalalakihan' ako sa lugar. nung nahatid na ko sa klasrum, may isang lalaki dun na nag aayos ng gamit nya! at sya ang una kong naging kaibigan sa skul na yun! yey! c Lorenz Foja. sumabay ako sa kanya papunta sa pila namin. hahah! at ang tanga ko talaga! kasi dahil sa pagsunod ko sa kanya papunta sa pila, dun narin ako napapila sa line ng mga lalaki!
naalala ko rin nung pumapasok kami isa isa sa loob ng locker tapos isasara ung pinto! hahaha! di pa ko mataba nun kaya kasya pa ko sa locker!
tsaka ung first time kong magpapalit ng tokens para makabili ng pagkain sa canteen or ng gamit sa bookstore.... yung red-five pesos, blue-two pesos, white-one peso, green-50 cents ata or 25 cents.... ngaun ang ginagamit nalang ay ang red at blue na tokens... may nag sabi nga sakin na dati daw meron pang color yellow na ten pesos naman... ang saya siguro kung nakolekta ko lahat ng tokens na yun!

balik na...

at tama ako! pinirmahan nga ni sister yung gud moral certificate ko! ayos! akala ko sasabihin nya na hindi nya pipirmahan yun dahil nakumpis yung mp3 player ko nung retreat! bwahaha! di mo magagawa yun noh! hindi naman ako yung nagpakumpis eh!! bwahahaha!!

pauwi na kami. tinanaw ko muna yung corridor ng mga seniors. haaayyyy..... :)
tama na nga.

Sunday, May 07, 2006

happy birthday's!!! :)

May 7.
Happi Bortdey kila Pauline at kuya Migs!

[pau.panakaw.sa.prendster.mo.ha.hehehe.]
[ayos to! para isang pic nalang ilalagay ko dba!?]



Emotional Overdose- Join the Club FEATURING: Glenn Calingasan!

hahahhaha! kayo ba ay nalulungkot? at parang gugunaw na ang iyong mundo? pwes! hindi ka nag iisa! bakit?..... ewan ko sayo. panoorin mo nalang to! hahahahahahah!!!!!!!!!!!!!!!

Saturday, May 06, 2006

hayyy...

nakauwi din ng bahay.. sa wakas. ang ganda talaga sa Sta. Maria Bulacan. maraming puno. maraming bukid, wala namang scarecrow. naaalala ko tuloy ang jeepers creepers. hahahahaha!
unang punta ko kasi ng sta. maria, uhm.. swimming ng bagong set ng officers sa cat/acp for '05. sa lanesca resort. celebration namin yun for surviving 2 weeks of pain, sacrifice, hardship...plus 2 days of leadership training... [ang korni! ang drama!].... un!... tama na nga.
kinasal ang tita ko sa isang 'gonzales' mukha syang pulitiko sa unang tingin pero wala lang. nakakailang pala ang magkaroon ng isang tito na kasing edad mo. hahahaha! ilang na ilang akong tawagin syang tito.. parang hindi bagay! pero ok lang! mas matanda naman sya sakin ng ilang buwan! mas dyahe kaya kung mas matanda ako! hahaha!
meron dun sa reception na isang lalaki. na bakla. kamukang kamukha ni tsokoleyt! at kamukha ni palito yung isang cameraman! hahahah! naiistarstruck tuloy ako!
ang ganda talaga ng nlex.. ang sarap ng feeling ng walang traffic!

naaadik ako sa stick-o this days! hahaha! sarap! mmmm!!

sobrang kulang na ko sa tulog... mejo sanay na ko mapuyat. okei lng.

Monday, May 01, 2006

happy birthday kuya dvdmariano!

[panakaw sa friendster mo ah!]
-cge gwapo ka na kung gwapo!
keep on rockin'!!!