Saturday, June 24, 2006

slight!!!! wahahah! yiiiihiiiii!

kamusta naman ang first 8 days ng pagiging freshie sa ceu? ayun. 1st day talagang kinabahan ako. sobrang nakakapanibago... pero buti nalang first subject palang namin may mga friends na ko! yey! sila Shera, Jade, Tiffany, Hannah...

excited kami na kunin yung I.D namin sa Generosa De Leon Building sa main building ng ceu (para ma experience na ang pag swipe! yeaahh!)... mga apat na araw kaming pabalik-balik dun kaso ang haba ng pila palagi! nung June 21 lang ata namin nakuha.... pati yung handbook! syaks! kelangan pala yun sa Soc. Arts!

fav. lunch spot namin ni Shera ung canteen sa may DENTSC bldg. sarap ng mga pagkain dun! dun ako bumabawi sa pagkain kasi madalas akong ndi nakakapag breakfast.

Pamatay din ang paglakadlakad namin para makapunta sa iba't ibang classrooms namin na nasa iba-abang bldg. din! from 4th floor ng DENTSC , bumaba sa ground floor para mag lunch, lakad sa San Rafael St, pasok sa gate ng Main Bldg. at akyat sa 4th floor ng TC [para sa Phy. Sci. Lab.] at tuwing Thursday, dagdag pa ang pag akyat sa 5th flr. ng dentsc para sa p.e.... haayyy...

eto. nag pa mini show para sa mga freshies ng ceu pag pasok dun sa venue, namigay ng pamaypay, wahahah... nakita ko ung cheering squad. [magaling cla ah!] Yung CEU scorpions, [tangkad grabeh.... "kapre"]


at ang peyborit ko.. ang mascot ng ceu... cge. "scorpion" nga yun na pink and gray... pero mas marami ung gray.... shaks... "scorpion" na "scorpion"..... pati ang BEAR na akala ko ay mascot ng Bear Brand!! eh may suot na tshirt yung bear na 'centro escolar' ung nakalagay, kaya un, napagtanto ko na hindi sya mascot ng bearbrand [ano naman kaya ang kinalaman ng oso na yun sa ceu??? hmmm.... wala akong ideya]

pati ang freshman orientation nung june 22, sa Librada Avelino Auditorium.... ayun... sobrang lamig sa loob.... parang freezer wahahahaha..... at feeling ko sobrang happy ang section namin ["W"!! wahahaha!] kasi... una, hindi kami kasama sa mga pilot section! pangalawa, mabait yung adviser namin! at ehem! isa sya sa may posisyon sa ceu! wahahaha swerte namin sa kanya.... at pangatlo, sa pinakaunahan nakaupo ang "W" [nyeeeeeee.........]

eto pa! mejo hawig nung kaklase ko si kuya Jowie!! ayos! hehehhehe

kelangan ko palang ipick up ung pina embroider-an kong lab. gown... kelangan na un sa martes!

babalik nanaman akong Mendiola bukas. mag rarally ako. wahhaha... babalik na ko sa dorm..


gusto ko na kaagad masanay sa Maynila... para makagala na ko.... at yun nga.. para bisitahin si Jops sa uste... sana maalala ko yung chocobot na ibibigay ko sa kanya..... pati pala ung EP ng Publico! "KAILANGAN" ko bumili ulit!!! at! mag pa autograph kay kuya Badong! ayos!



Monday, June 12, 2006

independence day!


Maligayang araw ng Kalayaan!

---------------------------------------------

hindi ako natuloy sa album tour ng hale sa sm marilao. sabi ng tita ko sobrang dami daw ng taong dumating... [syempre hale un.. hehehehe] . Sobrang pagod pa kasi ako dun sa paglakad-lakad namin sa Mendiola.. hay.. masasanay din ako.

Sa wednesday lilipat na ko sa dorm kaya siguro madalang na ko makakapag onlyn... hindi kasi ako mahilig mag internet shop [kasi walang pera!] naiisip ko tuloy sana sakin nalang yung laptop ng mama ko tapos magpapa smart bro ako! saya nun!

Sana maka adjust ako agad sa magiging bago kong environment! sana din magkaron ako ng maraming kaibigan dun!! heheheeh.. good luck nalang sakin!

ingats sa lahat! sa clubbers at sa team publico! syempre ang join the club at publico! sa mga hulog ng langit para sakin na natsatsagang basahin ang blog ko, sa mga napapadaan lang o sa mga aksidente lang na ma click ang link nito! I Love You!!! wahahaha

sana mapost ko na asap yung pic ko with kuya Jowie at Juvs..

till my next post. [kailan pa kaya un?]

Sunday, June 11, 2006

E..EE..EEE..TAE!!! -[teddy]

nag dorm hunting kami kahapon! yun! nakahanap kami! nasa likod lang ng ceu. buti nalang yung mga makakasama ko sa room ay puro first year din! whew..

after nun.. sm manila. hanap kami ng rubber shoes.. may mga nakita akong magaganda sa skechers, converse, pony, at advan [oo advan nga]! pero mas gusto ko yung napili ko sa pony! simple lang! wahahaha bibilin namin yun next week!

then sakay na ng lrt.. central station..carriedo................r.papa..5th ave...MONUMENTO!.. then baba na kami.... napadaan kami dun sa mga nagbebenta ng pirated cd's. [eto nakakatawa!] naging topic na sa ml ng jtc ang tungkol sa pirated cd ng nobela.. at kahapon ko lang nakita yun! edi huminto muna kami tapos tiningnan ko. ayun! nandun lahat ng tracks sa nobela! pero ang nakakuha talaaga ng atensyon ko ay ang 12th track na supposed to be "EMOTIONAL OVERDOSE" ... pucha.. "emotional overDRIVE" yung nakalagay!!! at hindi lang yun! may bonus tracks pa! nakalimutan ko na kung anu-ano yun.. natawa ako dun grabeh...
akala ko tapos na.... pero may nakita nanaman akong cd! wahahahah!!! nakalimutan ko yung title... it was something like: "join the club remix" or "nobela remix"!!!! tawa ako ng tawa nun! parang naasar nga sakin yung nagbebenta! kaya "PLEASE! DON'T BUY PIRATED CD'S!!" bilhin nyo yung orig hindi lang dahil sa makakatulong kayo sa musikang Pilipino, dahil din... sa orig na cd, ACCURATE ANG TITLE NG BAWAT TRACKS!! hehehe....

after ng katawa tawang experience na yun.. deretso na ko sm marilao para manood ng album tour ng rocksteddy! at yes!! nakita ko na rin si kuya Jowie [at ang 'fedsex' nyang damit! wahaha]! tsaka si Juvs! ganda ng hair nun grabe! malambot at madulas! wahahaah hinawakan ko eh!
sayang nga hindi sakin nabigay ni kuya Juvs yung pick na ginamit nya! inalok nya sakin eh! arrrggghhh!! [arrggh ulit..] naunahan ako kunin nung isang gurlalooshh..
nung autograph signing na... nagpapic ako kasama sila kuya Jowie at Juvs.... sayang di ako nakapagpapic kay Teddy! astig nya grabe! pati rin kay Chris... sayang talaga..

eto pa! 'tama' nanaman ung drumset na ginamit sa album tour dun! astig! kamukha nung amin! astig din ung pumalo nun: si kuya Jeff! \m/

kelan kaya ako ulit makakanood ng gig sa sm marilao... kelan ko kaya makikita ulit ang mga rakista at mga trasher na nag ji-gymnastics.... hay...

Thursday, June 08, 2006

PLEASE HELP ME OUT!!!

please paste this link on your web browser!:

http://world2.monstersgame.co.uk/?ac=vid&vid=31057339

don't worry! hindi yan virus or adware or spyware or anything dangerous! promise!

masaya yan! kahit sandali lang ilaan nyo... basta puntahan nyo ang link na yan! that way matutulungan nyo ko! salamat ng marami!!!

birthday daw ni bert ngayon..

kaya..

Happy Birtday sayo Mark David "Bert" Milagrosa!

pakain naman dyan!

malas...

wala na akong magawa.. kaya magpopost nalang ako...

malas talaga... di na ko matutuloy sa friday para manood ng gig ng publico.. pinayagan na kaso may problema.. di bale. marami pang next time [sabi ni Dane]

malas ulit.. di narin ako matutuloy sa hale.. di naman yata album tour yun eh [para sa repackaged]... sayang wala pa ko nun... malas...

ang rocksteddy, tuloy. Inaaya ko sila Jester at Bert para mas masaya... pero mas gusto nila pumunta dito sa bahay... para mag jamming siguro... [abuso na porket kasi libre jamming dito eh..wahaahh joke].... o mag laro ng basketball o mag boxing sa taas... ewan... basta hindi na pwede... tsaka na... pag birthday ko na ulet... tugtugan nyo ulit ako! wahaahhah!

Sunday, June 04, 2006

pbb teen big winner!

grabeh sobrang talented ng babaeng 'to... maganda na, magaling kumanta't sumayaw, at very flexible pa.... naks.... anlupet nung peng you.... si emil chow ata orig na kumanta nun...

sana dun nalang sila tumira sa chateau valenzuela... heheh sobrang lapit lang sa haws namin un! heheheh.... sana c gerald nalang para mas masaya! joke!

'di ka na mag iisa kaibigan...'